#PROUDMDW
OFW bayani kung ituring pero mas maraming pasakit ang kinikimkim. Umalis ng bansa na dala-dala ang pangarap para sa kanyang pamilya pero lungkot ay kanyang nadarama. Tiniis ang hirap sa bansang banyaga pero di kayang tiisin ang lungkot na mawalay sa kanyang pamilya. Umiiyak sa gabi dahil sa pagod nadarama pero kinabukasan patuloy na lumalaban. Mahirap man ang pinagdadaanan pero patuloy nagsusumikap para sa magandang kinabukasan na kanyang pinapangarap.