Mga Iniisip Ko Habang Katabi Kita Sa Kama

By Aileen_PYP on 23rd Jul 2020

 Image

Patak ng mga araw

Dahan dahang lumalaho sa mga anino

 

Tagos sa puso ang paghihinagpis

Palayain ang madilim na kahapon

 

Bakas ng luha sa pisngi,

Tanda ng bagong bukas

Bakas ng halik sa mga labi,

Tanda ng pag-ahon sa dilim

 

Sinag ng araw sa mata,

Binubulag ang pag-asa

Ipanalangin ang aninag ng gabi

At diwa ko'y sa iyo mananatili

 

Yakap mo'y huhusgahan

sa pagpawi ng unos

At dadalhin sa kalawakan ng puso

 

May pagtitiis sa kabila ng hiwaga ng sandaling ito

 

Ipanalangin ang aninag ng gabi,

At ako'y sa iyo mananatili