Ang event na ito ay para mapataas ang awareness sa mobile cyber security at maipromote ang online safety ng mga domestic helpers sa Hong Kong.
Ang workshop na ito ay hatid ng Smartone, isang leading mobile telecom provider, at lampas 2 dekada ng nagbibigay serbisyo sa Filipino community, kasama ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA).
Ginanap ang seminar OWWA Global Centre sa Admiralty noong June 22, 2025, kung saan mahigit 100 na domestic helpers from all over Hong Kong ang nag-sign up. Natutunan nila ang practical tips on how to secure personal info, recognise suspicious online activities, at iwasan ang common scams tulad ng fake job offers, phishing emails, at fake messages. May Q&A din na naganap kung saan nag-share ang ilang attendees ng personal experiences. Plano ng SmarTone at OWWA na maging regular monthly ang seminar sa OWWA centre para mas marami pang mabigyan ng kaalaman.
Para dagdag saya, nagdistribute ng libreng SIM cards sa mga hindi pa SmarTone, libreng Call Guard service sa lahat para iwas scam sa mobile at libreng snacks sa lahat ng attendees.
Malaking pasasalamat din kina Antonio R. Villafuerte, Officer in Charge of Migrant Workers Office, at OWWA Welfare Officer Marilou Sumalinog sa kanilang support at coordination para maging successful ang event.
Kaya abangan ang posting ng OWWA Hong Kong kung kailan ang sunod na Mobile Cyber Security Seminar, please like and follow this link: https://www.facebook.com/owwahongkong and like and follow the Barkadahan sa SmarTone FB page for more information: https://www.facebook.com/barkadahansasmartone .
Maraming salamat sa mga dumalo at kita kits naman sa mga susunod!