Successful ang unang Mobile Cyber Security Seminar ng OWWA at SmarTone! Ito ay para mapataas ang awareness at maipromote ang safety ng mga domestic helpers sa Hong Kong, ang Smartone, isang leading mobile telecom provider, at lampas 2 dekada ng nagbibigay serbisyo sa mga Filipinos sa Hong Kong ay nag-host ng isang very successful seminar kasama ang OWWA na nakatuon sa mobile cyber security.
Ang event ay layuning turuan ang mga domestic helpers tungkol sa online threats, scams, at best practices para maprotektahan ang kanilang sarili sa digital world.
Ginanap ang seminar sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) center sa Admiralty noong June 22, 2025, kung saan more than 100 domestic helpers from all over Hong Kong ang nag-sign up.
Nakatanggap ang participants ng practical tips on how to secure their personal info, recognize suspicious online activities, at iwasan ang common scams like fake job offers, phishing emails, at fake messages. Ang mga guest speakers ng SmarTone ay nagbigay ng mga engaging presentations at samples, para mas maintindihan kung paano gumagana ang mga scammers at paano maging vigilant.
Malaking pasasalamat din kina Antonio R. Villafuerte Officer in Charge of Migrant Workers Office at OWWA Welfare Officer Marilou Sumalinog sa kanilang support at coordination para maging successful ang event.
Para mas masaya ang event, nag-distribute ang SmarTone ng free snacks sa lahat ng attendees para maging friendly ang atmosphere. May raffle din, at isang lucky attendee ang nanalo ng brand new Honor Smartphone, kaya dagdag excitement at talagang memorable ang seminar.
Maraming attendees ang actively nakipag-Q&A, nag-share ng personal experiences, at mas lalo pang naging confident sa pag-manage ng kanilang online activities.
Ang success ng seminar ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang community-focused initiatives. Plano ng SmarTone at OWWA na maging regular monthly ang seminar sa OWWA center para mas marami pang mabigyan ng kaalaman.
Kaya abangan ang posting ng OWWA Hong Kong sa kanilang Facebook page https://www.facebook.com/owwahongkong kung kailan ang sunod na Mobile Cyber Security Seminar. Ito ay first come first served at mabilis mapuno ang slots. Maraming salamat sa mga dumalo at kita kits naman sa mga susunod!