BUHAY NG MGA PINOY NA OFW


By maribel Natal on 4th Jan 2020

 Image

Magandang buhay! Dito sa Hongkong iba't-ibang kwento ang maririnig mo sa ating mga kababayan. Merong napakasuwerte sa amo, at meron ding minamalas. Masasabi kong masuwerte sila kasi 'yung mga amo nila lagi sila binibigyan ng pabor at itinuturing silang pamilya.

 

'Yung mga minamalas, kahit ano gawin nilang pakikisama sa kanilang mga amo hindi napapansin. Merong 16 na oras ang kanilang pagtatrabaho, 'yung iba inaabot pa ng 20 oras bawat araw. Kahit pag nagday-off ka, kailangan bago ka umalis maglinis ka muna, pag-uwi mo ligpitin mo ang mga kalat sa mesa at sa kusina na pinagkainan nila.

 

At dahil sa kahirapan sa ating bansa, 'yung mga minamalas nagtitiis na lang para lang kumita ng dolyar. Kasi kung sila ang magbe-break contract o ma-terminate mahirap maghanap ng amo. Kung hindi ka pa makahanap ng amo sa loob ng dalawang linggo pauuwiin ka sa Pinas. Paano na lang ang kinabukasan ng kanilang mga anak kung sila ay uuwi saPinas?

 

Kaya ang iba ipinapasa-Diyos na lang lahat kasi wala namang imposible sa kanya kung lagi tayo nagpapakumbaba at nananalangin o dumudulog sa kanya. Mahirap maghanap-buhay sa ibang bansa. Kailangan matatag at may lakas ka ng loob pag ikaw ay nagbalak mangibang bansa.

 

Ang pag aabroad at isang sakripisyo,pagtitiis at dapat may pananalig tayo sa Diyos na sa araw araw ng buhay natin ay Ang maging sentro lang ng buhay natin ay walng iba kundi si kRisto,kung si Jesus ang ating pundasyon sa buhay kahit anong hirap ng sitwasyon natin magiging magaan ito sahil sa Pananampataya natin sa Kanya,sa tagal ko sa abroad at sa dami ng mga nakasalamuha kong mga Tao masasabi ko na nakakablessed ko dahil kasama ko si Jesus  sa bawat galaw ng buhay ko Salamat mga kababayan sa pagtuon ninyo ng pansin sa maikli kong kwento.