Image

"Kabataan"

Precious L.

 

Sabi ng karamihan,

Edukasyon ang susi sa kayamanan.

At nais ng aming magulang,

Na palawakin ang aming kaalaman.

 

Pagbibigay ng parangal sa kanila'y nagpapasaya,

Ngunit pagpupursigi ba namin ay kanilang nakikita?

 

Mga kabataan ngayon nagpapanggap na masaya,

Ngunit ang kalooban nila ay parang basag na plorera.

Ang dating bulaklak na makulay at maganda,

Ngayon ay parang abo,walang buhay,walang gana.

 

Ngunit mga pagsubok lamang ito hindi ba?

Ang tunay na mundo ay hindi pa nakikita.

Malalagpasan ang mga problema,

Huminga ng malalim at imulat ang mga mata.

Other Poems by Maimaiđź’š