Image

"AKLAT"

Precious L.

 

Nagbukas ako ng bagong pahina,

Sumulat ng bagong kabanata.

Ikaw ang nagsilbing paksa,

At mananatiling laman ng bawat talata.

 

Ngunit sa bawat pahina,

May natatapos na paksa.

At katulad ng isang tula,

Huwag ipipilit pag hindi tugma.

 

Siguro nga'y masyadong maaga,

Ang ating pagkikita.

Kaya tayo ay pinagtagpo,

Ngunit hindi itinadhana.

 

Hindi mo man nakita ang aking halaga,

Wala ka mang oras para ako ay makasama.

Nakatago pa rin ang mga ala-ala,

Paalam aking pinakamamahal na sinta.

Other Poems by Maimaiđź’š