Tatlong letra ka aking sinta
Kahulugan kakaiba talaga
Lahat ng babae’y maranasan t’wina
Isang resposibilidad napakadalila talaga
Mapagkandiling kamay
Ang iyo ngang iniaalay
Sa aming iyong mga inakay
Natatanging paggabay sa aming buhay
Kaligayaha’y iyong isinantabi
Para sa pangarap na minimithi
Balang araw sa aking paglaki
Ikaw nga’y may ipagmamalaki
Ako’y iyong ganap na pinalaya
Baon ang iyong gintong paalala
Humarap sa hamon ng buhay
Upang ako’y maging isang matagumpay
Sayo aking tunay na iniaalay
Ang aking pagtatagumpay
Salamat sa Diyos sa kanyang paggabay
At sa iyo Inay aking pag ibig na walang kapantay