katulong sa abroad

By Pia21 on 18th Feb 2023

katulong sa abroad

dolyares ang sahod

sila'y nakatanghod

nakamasid kala mo'y tanod

 

masarap nga nman pakinggan

salitang ibang bayan

sa iba  tunog sosyalan

sa ilan ito'y suntok sa buwan.

 

subalit ang realidad

ay iba sa iyong lahad

iyong  deskripsyong bungad

lahat ay huwad

 

dito sa ibang  bayan

di lahat ay magaan

kadalasan lumalaban

sa hirap na aming pasan.

 

isang linggong kayod

katawa'y laging pagod.

utos na pahiyaw

sami'y taimtim na palahaw

 

kung basehan nyo'y

nkapaskil naming mga larawan

aba'y isang beses sa isang linggo'y

kalabisan ba naman.

Poems by Other Authors

Other Poems by Pia21

18th Feb 2023
Thought Image
18th Feb 2023
Thought Image Default
18th Feb 2023
Thought Image