Image
Madaling araw... Masayang nagbihis at handang handa na sa galaan. Di alintana mga susunod na kaganapan. Walang senyales o katiyakan sa susunod na magaganap. Bigla na Lang sa Isang iglap... sarili ko'y di napag handaan... mga pangyayari ay napaka bilis, sa Isang kisap mata... Mga tao'y nataranta !... Ako'y itinayo sa aking pagkaka bagsak ! Salamat sa kanilang mga pinakitang kabutihan. Intsik at Pinoy... nagtulungan. Duguan at Puno ng Kaba... sadyang aksidente ay di maiilagan... kahit ika'y maingat man... kung ito'y magaganap sadyang biglaan! Mamang nagmamaneho ay nag usisa... ambulansya at mga pulis ay mabilis na rumesponde. Sarili ko'y pinakikiramdaman... "Ako'y ayos pa naman". Inanyayahan sa ospital ngunit ako'y nagwikang, " Ako'y ayos lang". Pinapirma sa papel... Isang kasulatan at kasunduan, wika ng pulis... " Ika'y responsable sa kung ano man ang mangyari". Isipan ko'y positibo... pagka kuha nila ng mga kailangang impormasyon, Ako'y naglakad ng kalmado Isang Kanto sa patutunguhan. Tila walang nangyari... malakas akong nag Simba at nagpasalamat... NAPAKA BUTI MO LORD! SALAMAT PO SA BIYAYANG BUHAY.

Other Poems by Balotbondoc