Image

Nagsimula ng mag iba

ang  ihip ng hangin.

Ang higaan ay nag iimbita

na ika'y manatili muna

ng kahit ilang saglit

at ika'y yayakapin

ng makapal na kumot.

 

At sa iyong pagbangon...

kaysarap humigop

ng mainit na kape o tsokolate.

Habang dinig sa labas...

ang pag ugong ng hangin.

Matatanaw din...

mga halamang

ngsisipag sayawan,

tila nagsasabing...

TAGLAMIG ay narito na!

 

Masarap ding maglakad lakad

habang ang buong katawan

ay hinihipan ng malamig na hangin.

Ngunit siguraduhing

ika'y ayos at ligtas din.

Sabi nga ng karamihan...

sa panahon ngayon...

"  Bawal  magka sakit !  "

 

Mga makakapal na kasuotan

ay ilabas  at suotin na din.

Isa. .. dalawa...tatlo...

depende sa iyo

kung dadagdagan pa.

Katawan  ay balutin..

paniguradong sakit

ay di ka hihipuin.

Poems by Other Authors

Other Poems by Balotbondoc