PASKO SA PINAS
Mga ngiti sa kanilang labi
Nag gagandahang palamuti.
Matitingkad na ilaw sa tahanan
Makukulay na parol sa lansangan..
Hudyat ng kapaskuhan sa bayang sinilangan.
Ang pasko sa Pinas ay talagang inaabangan.
Ang selebrasyon dito ay halos isang buwan
Pinaghahandaan at pinagsasaluhan
Panahon kung kailan lahat ay may katahimikan.
Mga kababayan natin saan mang lupalop ng mundo
Nagbibigayan ng aginaldo
Mga regalong nagpapabuklod ng samahan
Nagpapatibay ng pamilyang kinagisnan.
May misa de gallo talaga namang lahat kinukumpleto
Matutupad daw ang mga kahilingan sa pasko
Kaya lahat ay nagsasakripisyo para makadalo
At kakain ng bibingka at puto bumbong bago humayo.
Mahirap man o mayaman ay tiyak may handa sa mesa
Pagsasaluhan ano mang naihanda.
Magpapasalamat sa makapangyarihang Mesiyas.
Dahil muling naisilang at tutupad sa propeta ng pagliligtas.
Salamat sa pasko tayong lahat ay nagkakasundo
Pagmamahal at pagpapatawad ang tunay na diwa nito.
Sana ito ay ating isa-puso.
๐๐๏ธanna09