Image

Nakita ka sa may park...

Ika'y mag  isa...

Beer lang Ang kasama.

Palingon lingon...

Nagmamasid sa paligid.

 

Mala Anghel mong anyo

tila baga...nabihag Ako.

Mabilis ang mga sandali...

Ika'y lumapit at...

Yun Ang simula natin.

 

Araw ay lumipas...

Ako'y agad mong nabihag.

Iyong mga matang mapupungay,

mga ngiting matatamis

at boses mong malambing...

ahh, ako'y wala Ng hihilingin pa.

 

Akala ko'y ikaw na...

biglang nag iba kaagad.

Ika'y aking tinanong...

"ano ba talaga tayo?"

Ika'y sumagot at

Mundo ko'y biglang gumuho.

 

"  Magkaibigan lang tayo ",

Iyan Ang iyong tugon.

Puso ko'y nasugatan

sa katotohanan.

 

Dumagdag pa ang kirot Ng ika'y nag wika...

" hanap ko'y magandang kabataan,

Ika'y may edad na ,buhay ay maiksi lamang ...

magpaka saya na lamang!

Akala ko'y natagpuan ko na

ang taong sa akin ay

magmamahal na.

 

 

Akala ko ...

ika'y akin na.

Akala ko'y...

di mo Ako iiwan.

Akala ko ay ikaw na...

Ako pala'y nagkamali na Naman.

Other Poems by Balotbondoc