- Tatlong Bituwin -

✍️ Kapitan KalanSayr

(Tanagepton)

🇵🇭 Spill Of An Ink

 

Sa langit nakatingin...

Kinang ng bituin...

Na sa lawak ng dilim...

Tila ay nakabitin...

 

Sa malalim na gabi...

At ganitong sandali...

Inaabangan lagi...

Ang tatlong Magong Hari...

 

Sa payak na sabsaban...

Simbulo ng pagsilang...

Alay sa sanlibutan...

Matubos kasalanan...

 

Sa Sanggol na Sinugo...

Agad silang nagtungo...

Dala-dala'y regalo...

Kamanyang, mira't ginto...

 

Tanda ng pagka-Diyos...

Buhay na magtatapos...

At pagkaharing lubos...

Nang Panginoong Hesus...

 

Dahil sa pagmamahal...

Ang handog ng Maykapal...

Kanyang Anak na Banal...

Buhay ay mapipigtal...

 

Pagmamahal na lubha...

At pagpapaubaya...

Siyang tunay na diwa...

Pasko'y hatid sa madla...

 

Kaya sa bawat araw...

Pag-ibig ang ihataw...

Upang s'ya ring ipataw...

Sa oras ng pagpanaw...

 

Kung unawa't respeto...

Maghahari sa puso..

Tiyak sa ating mundo...

Araw-araw ay Pasko...😊