Image

REGALONG ALAY

 

Panahon na naman ng kapaskuhan

Araw kung saan lahat ay nagbibigayan

Bukas ang puso sa diwa ng pagmamahalan

Tunay na iginagawad ang kapatawaran

Buong pamilya'y may saya at may katahimikan

Simoy ng hangin ay samyo ng kapayapaan.

 

Ano nga ba talaga ang tunay na diwa ng pasko?

Ito ba'y masusukat sa mamahaling regalo

O kaya naman'y sa totoong nilalaman ng puso

Bukal ang ngiti at handang yakapin ang pagbabago

Paano mo sasalubungin ngayong taon ang batang nagdala ng pag-asa sa mundo.

 

Ang pasko ba'y para sa mga inosenteng bata

O sa matandang ang puso ay dalisay at mapagpakumbaba

Kalakip ng selebrasyong ito'y hiwaga

Misteryo ng Mesias kaya't tayo'y pinagpala

Halina, magdiwang at magsaya

Bata ka man o matanda.

 

Magbigayan at magmahalan

Diwa ng pasko'y isabuhay natin kailanman

Araw araw tayong magpatawaran

Dahil 'yan ang regalong alay natin sa Amang makapangyarihan.

 

📕✍anna09

Spill Of An Ink

Hesychiarium

 

CHRISTMAS POETRY COMPETITION

Poems by Other Authors

Other Poems by anna9_villegas4353