Image

Nag simula and ating lakbay 

noong tayo ay ipinanganak.

Maraming pangyayari...

lungkot at ligaya,

pagmamahal minsan din ay

may kapighatian...

poot ,pagkabalisa

at marami pang iba.

 

Ang ating buhay ay hiram at ito'y

 panandalian lamang.

Diyos ang syang nagbigay,

kaya ito'y paka ingatan.

Gawing makabuluhan...

gawing ang nararapat

upang  maging matagumpay

sa mga adhikain sa buhay.

 

Nais ng karamihan...

ang maging masaya, masagana

sa kabuhayan, malusog na

pangangatawan, kasama ang 

pamilya na may pagmamahalan.

Walang  awayan  o  bangayan.

 

Kung ang nais mo ay...

makabuluhang resulta... 

kumilos ka aking kaibigan !

Huwag basta umasa at maghintay, magplano at  mag banat ng buto!

 

Araw - araw  tayo ay

patuloy na maglalakbay 

sa mga hamon ng buhay

dito sa sandaigdigan.

Maging position sa lahat ng bagay.

 

Walang susuko...

dahil pagdating ng itinakdang araw

lahat ng paghihirap ay may

ginhawang  katapat.

Lahat ng pait ay may

kalakip n tamis.

 

Manalig!, Maniwala!,

Sumampalataya!

Poems by Other Authors

Other Poems by Balotbondoc