IKAW NA NGA KAYA ?

By Balotbondoc on 22nd Nov 2022

 Image

Madalas  ako'y  nangangarap,

na Makita na...

Ang tamang pag -ibig

sa tamang katauhan

Taong maunawain at may

busilak na kalooban.

Di kailangang perpekto

Basta tunay na maka tao.

 

Ilang biltong tao sa Mundo,

Isa para  sa atin ay naka laan.

Tayong lahat ay may destinasyon,

lahat may katapat at patutunguhan.

Naniniwala Ako na ibibigay nya

Ang Isang mangingibig

na kakalinga sa akin.

 

Sa aking panaginip

ay nakita ka na.

Tayong dalawa'y napaka saya.

Di alintana  ang sasabihin ng iba.

Ikaw at Ako ay tunay na

nagmamahalan.

 

Ngunit sa paglipas ng panahon,

ramdam kong  ako'y nahahapo na.

Nawawalan na Ng pag asa.

" Darating pa ba sya? "

Tanong lagi sa isipan.

Kailan at saan ko sya

masusumpungan?

 

Biglang may namataan...

estranghero sa may upuan.

Palingon lingon...

ako'y nakikiramdam.

Bigla akong nilapitan...

nagtanong at naki pag kwentuhan .

 

Mga mata nya ay maningning.

Matatamis na ngiti mga labi

" IKAW NA NGA KAYA? "

Puso ko't isipan...

nag sisipag tanungan.

Ang tanging hiking...

" sana sya na! "

Nang mapanatag na Ako

sa piling nya.

Other Poems by Balotbondoc