Image

Nag simula sa Online Chat ...

tayo'y naging mag kaibigan.

Mgaatatamis na salita...

tayo'y nagpalitan.

 

Araw ay mabilis  na nagdaan...

LAHAT  ay naging mas makabuluhan .

Mga pangungusap  mo'y

Kay gaan sa pakiramdam.

 

Tila Kay bilis...

Ika'y aking napusuan.

Ako'y idinuduyan...

sa tuwing tayo'y nag kwekwentuhan.

Nabihag mo agad

Ang puso't  isipan.

 

Pakiramdam ko'y tayo na...

Nangarap na maka piling ka...

at ipadama sa'yo ang tunay na

pagmamahal.

 

Isang araw...

ako'y sinadlak ng kalungkutan.

Mundo ko'y  gumuho  ng biglaan

Masakit  sa damdamin  ngunit

kailangang tanggapin.

 

LAHAT ng naramdaman

ay Hindi pala tunay.

Akala ko'y tayo na...

Akala ko'y pag-ibig na...

ako'y nabiktiman ng

"Making Akala'.'

Poems by Other Authors

Other Poems by Balotbondoc