Image

Malamig na ang simoy ng hangin.

Halos lahat ng bahay at Kalye

ay naka gayak narin.

Ramdam na din ang mga

pamaskong tugtugin.

Espesyal na araw ay paparating!

 

Ang lahat ay  abala na...

gala dito,gala doon...

nag iisip at nag hanap

ng mga  maireregalo.

Monitor at Monita ay malapit na!

 

Hindi mahalaga kung magkano,

Ang importante ay ang Saya

na maidudulot nito.

Sabi nga nila...

"it's the thought that counts".

 

Kay sarap sa pakiramdam

maka pag bigay at maka tanggap .

Mainam  ding Maka pag abot

sa mga kababayang kapos

o hirap sa kabuhayan.

Kasiyahan o Kagalakan sa puso

ay tiyak na makakamtan!

 

Ano mang estado sa buhay...

Bata man o may edad ..

lahat Ng kasarian..

handa na sa KAPASKUHAN!

 

Nawa'y maghari sa puso ng lahat

Ang espiritu ng pagmamahalan at

pagbibigayan.

Nawa'y lahat ng tahanan

ay mapuno ng Kapayapaan

sa KAPASKUHAN!

Other Poems by Balotbondoc