Saan man ako mapadpad...
Sino man ang aking Kasama ...
Ika'y naka lilok sa puso at isipan.
Ang iyong amoy at anyo...
mga kilos mo ay...
laging kinakabig ako.
Di ko makaka ila ang
marahuyong ito.
Isang patunay...
Ika'y naka ukit
sa puso at isipan.
Ikaw lamang ang
aking iniirog.
Lahat ng bagay patungkol sa'yo,
tila bagang dinuduyan ako.
Ikaw lagi ang pinakatatangi.
Ikaw lagi ang hiling.
Ikaw lang ang pinapangarap.
Dito sa kailaliman ng puso ko,
Ikaw ay naka ukit...
Kasama ng mga ala ala mo.
Kailan man did malilimutan
LAHAT ng ating pinagsaluhan.
Aking pagsamo...
sana ito rin ang
iyong nararamdaman.