ALABOK

By Ledarose Delima on 26th Sep 2022

Pangyaos
Domestic Workers Corner Hong Kong
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

ALABOK

 

Alabok ang pinagmulan.

Sa alabok din ang huling hantungan.

Anong kayamanan ang iyong maiiwan,

Kapag sa mundong iyong ginagalawan ay kailangan mo nang lumisan?

 

Panlabas na kaanyuan ay panandalian.

Ang kariktan ay kumukupas sa katandaan.

Matikas at perpektong katawan.

Lumalaylay kapag sa sakit ika'y tinamaan.

 

Ang ari arian mong inipon.

Pinagpandayan hanggang dapit hapon.

Hindi maisasama kapag ika'y ibinaon.

Hindi maisisiksik kapag ika'y ikinahon.

 

Ang iyong istorya ay mananatili na lang sa kahapon.

Larawan mo ay maaalala lang nila kapag may okasyon.

Mapalad ka na, kung sumagi ka sa isip nila sa maghapon.

Ganyan ang buhay ng tao sa paglipas ng panahon.

 

Kaya ang tanong.

Anong maiiwan mo, na maaalala ka pa rin nila kahit dumaan man ang mahabang panahon?

 

Black angel 🖤

Other Poems by Ledarose Delima