INDAK

By Ledarose Delima on 26th Sep 2022

Pangyaos
Domestic Workers Corner Hong Kong
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

INDAK

 

Umindak...

Sa hamon ng buhay kahit masadlak.

Huwag kang bibitaw.

Ituloy lang ang sayaw.

 

Sa saliw Ng tugtugin.

Mabilis man o mahinhin.

Damhin ang ritmo ng musika.

Animo'y sinamahan ng mahika.

 

Huwag kang aayaw.

Ituloy lang ang sayaw 

Kahit ang buhay ay puno ng hagupit.

Sayawan lang ng todo at walang impit.

 

Hanggang masanay na sa pag indak.

Upang luha ay hindi na pumatak.

Huwag kang bibitaw.

Sayawan lang ang buhay sa mundong ibabaw.

 

Kung saan ka lumagpak.

Ibuka ang iyong pakpak.

Huwag hayaang lumagapak.

Manalig ka, magiging sayo ang huling halakhak.

 

Black angel 🖤

Other Poems by Ledarose Delima