HINDI SOLUSYON ANG KAMATAYAN Ni: Joan Zamora Padohinog

By Anak Ni Pado on 22nd Sep 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong

Isang araw habang nagbabasa sa social media

Ako'y nanlumo sa aking naobserbahan

Ukol sa mga kabataan ang bali-balita

Na hindi man lang natakot harapin si kamatayan

 

Bakit ganito na ang mga pangyayari

Hindi lang iisa ang nababasa na mensahe

Ang iba'y dahil sa pag-ibig ang itinuturong dahilan

Mayroon ding hindi na pinangalanan

 

Ano na ba ang nangyayari sa ating mundo

Pabata ng pabata ang gumagawa ng ganito

Nasaan na ang mga taong nagmamahal sa inyo

At nagawang tapusin ang paghihirap ng kalooban ninyo

 

Hindi solusyon ang kamatayan

Para takasan ang suliraning kinasasadlakan

Marami pa namang ibang paraan

At handang umunawa kahit ano pa man yan

 

Alam kong may kanya-kanya tayong dahilan

Pero sana hangga't kayang pigilan

Gumawa ng alternatibong pagkakaabalahan

Para maligaw ang sakit na nararamdaman

 

Bakit hindi natin subukang humingi ng payo

Sa mga taong may alam sa sitwasyon mo

Siguro naman kahit kaunti o papa'no

Mabigyan ka ng magandang kuro-kuro

 

Payo ko sa lahat ng may mabigat na problema

Huwag kayong mahiyang kumunsulta

Sa inyong totoong nadarama

Upang mailigtas kayo sa masama.

 

#horizons

#malayangtaludturan

#rhymingschemeABAB

#myoutletofemotionspoem 

Poems by Other Authors