ALON NG KALUNGKUTAN

By Racel on 19th Sep 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong

Sa apat na pader ng bahay,

Kung saan tahimik at walang ingay,

Ako'y inaalon ng kalungkutan,

At humihiling ng tulog na walang hanggan,

 

Naghahanap ng dahilan,

Kung bakit ganito ang nararamdaman,

Mga aninong bumubulong,

Sino nga ba ang makaka tugon,

 

Depresyon na unti-unting umuugong,

Sa utak ay yumayabong,

Mga kalungkutang pilit ibinabaon,

Nang mga nagdaang panahon,

 

Bibilang muli ng lima,

Upang sarili ay mapatahan na,

Ipikit ang mga mata,

At pilitin muling kumalma,

 

Kalungkutan at kabiguan,

Pilit na nilalabanan,

Minsan pa nga’y humihiling na ng himala,

Upang ang isip ay mapalaya,

 

Saan nga ba hihingi ng tulong,

Sa mga ganitong sitwasyon,

Paano uumpisahang mamuhay,

Nang payapa at matiwasay,

 

Isang hakbang,

At dahan-dahang subukan,

Na hanapin ang sarili,

At itama ang pagkakamali,

 

Hindi ka nag iisa,

Huwag mawalan ng pag-asa,

Darating ang bagong umaga,

Ika’y muling sasaya,

 

 

#mentalhealth

#poetrycompetition

Poems by Other Authors

Other Poems by Racel