Dahil Sa Aking Pamilya

By you_kayne on 28th Aug 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Buo ang pagkatao ko

Payapa ang Buhay ko

Kahalagan ng pagmamahalan

Aking nadama dahil sa pamilya ko.

 

Araw, buwan, taon ang lumipas

Sa mga mukha nila'y bakas

Pagmamahalan lamang ay di sapat

Kayat sa pilitang hanapin bagay sa kanila'y karapat dapat.

 

Ang mawalay sa mga mahal sa buhay na ganap

Sa kaalaman ng lahat ito ang pinakamahirap

Sa tindi ng pangangailangan bakit hindi ko hanapin?

Tadhana sa ibang bansa aking sisikapin.

 

Sa aking pag iisa, utak ko'y abalang abala

"Bakit ako nandito? "Paano ko nagawa?"

Ang tanging Diyos lamang na aking pag-asa

Ang nakakaalam ang dakilang hangarin ko sa aking pamilya.

Poems by Other Authors