PAGRIRITERO Ni: Joan Zamora Padohinog

By Anak Ni Pado on 13th Aug 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong

Pagriritero ko nga ba ay handa na?

Makakasama ko na ba ang pamilya?

Maibigay kaya ang tunay na saya?

Kahit ipon ko ay 'di pa sapat sana

 

Pagriritero ay masarap pakinggan

Ngunit parang kay hirap na umpisahan

Tulad nang kalagayan ng karamihan

'Di pa handa sa ligayang inaasam

 

Ngunit gano'n pa man pilit nagsumikap

Nang maranasan ligayang hinahanap

Pagriritero ay pinaghahandaan

Para sa mabiyayang kinabukasan

 

Tandaan pagriritero'y 'di pabonggahan

Basta't kasama ang pamilyang minahal

Dahil sa kanila tayo'y nagsumikap

Habang buhay pa natin silang mayakap.

 

#metredquatrain

#rhymingscheme

AAAA

BBBB

CCDD

DDCC

#horizons

Poems by Other Authors