BABAE

By Ledarose Delima on 1st Aug 2022

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Babae....

Hinugot ka ng AMA sa tadyang ni Adan.

Upang maibsan ang kanyang kalungkutan.

Hinubog kang may perpektong katauhan.

Kahit saang anggulo tingnan.

Ikaw ay naiiba at sadyang pinag isipan.

Ikubli man ng anumang klase NG kasuotan.

Kusang lumalabas ang angking kagandahan.

 

Katawan mo ay pakaingatan.

H'wag hayaan na ikaw ay pagnasaan.

Ng mga lalaking hayok sa laman.

Na ang nais lang ay panandaliang kaligayahan.

Pagkatapos kang matikman.

Sa huli ikaw ay sasaktan.

 

Mahalin ang iyong sarili.

H'wag hayaang mahulog sa tamis ng ngiti.

Mabulaklak na salita na namumutawi sa kanilang mga labi.

Kung hindi mo nais na maiwan ka sa huli.

Na ikaw ay nagtatangis at humihikbi.

 

Hindi ka nilalang ng maykapal upang maging laruan.

Nang kung sinumang Pilantropo na nabubuhay kung saan.

Sarili mo ay pakaingatan.

Para sa lalaking ikaw lang ang iibigin at pahahalagahan.

 

Mula sa panulat ni: black angel ❤️