marahil nagtataka ka, kung ano itong iyong mababasa. 

walang pamagat. puro lang salita.

iniisip mo ba kung may patutunguhan pag ipinagpatuloy mo pa?

sige lang magbasa ka..

baka may makuha kang linya at iyong makita.hinahanap mong sagot bakit patuloy kang nag babasa..

ito na uumpisahan ko na..

bilib ako sayo. ang tapang mo, umalis ka kahit mata mo'y lumuluha..wag kang mag alala di ka nag iisa.

ikaw, ako para sa pamilya..milya ang layo pero alam nating di tayo susuko.

laban lang kabayan, may mga taong sa atin ay umaasa, hiling man nila na tayo ay laging kasama. alam nating hindi madali ang buhay sa sariling bansa.

kayo SAYO. na umabot sa dulo salamat at binasa mo.

tula para sa lahat ng mang gagawang Pilipino. Sayo na nag babasa nito.

Laban.Uuwi din tayo.