Dapit Hapon Sa Tag-Init

By Nhene Melch on 29th Jul 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong

Sesura 6/6

 

~Dapit Hapon sa Tag-init~

  

Sa bandang kanluran ay mababanaag

Gintong liwayway mo'y syang namamayagpag.

Kaygandang pagmasdan sa mata'y naglayag

Sa tubig makita dakila mong sinag...

 

Ginawa ng Diyos sati'y inihandog

Sa bandang kanluran katabi ng timog.

Sa iyong paglubog iniwang alindog

Sa puso'y pag-asa ang sya mong sinabog...

 

Ang tangi kong hiling, sya ay makatagpo

Sayong paglubog may makasamang tao.

Hatid mo ay galak, dito sa'king puso

Syang minsa'y nawasak, at iyong binuo..

 

Ako'y maghihintay sa tamang panahon

Hahayaan muna'ng puso'y maglimayon.

Kong saan man dalhin aking destinasyon

Ikaw ay gagawin ko na inspirasyon..

 

Aking mga mata'y puno ng pag asa

Damdaming may lungkot 'di mo makikita

Ang araw sa hapon ay syang halimbawa

Sa kanyang pagtago'y may bagong umaga.

 

Sa kanyang paglubog, akin syang pagmasdan

Sa kanyang paghimlay, sa bandang kanluran

Papalit ang dilim,sa kapaligiranB

Bukas ng umaga, naman aabangan.

✍©Nhene Melch Guihama 

™✍ 07/29/2022

Poems by Other Authors

Other Poems by Nhene Melch

29th Jul 2022
Thought Image