M A S K A R A

By Ledarose Delima on 28th Jul 2022

Pangyaos
Domestic Workers Corner Hong Kong
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Maskara

 

Lahat ng tao may soot na maskara.

Hindi maskara ng kaplastikan na madalas na sootin NG iba.

Kundi maskara na maaring magkubli ng tunay na nararamdaman.

Upang hindi makita ng iba ang tunay mong kapighatian.

 

Kailangan maging malakas ka sa paningin ng iba.

Lalo na sa mga mata ng buo mong pamilya.

Upang puso mo ay hindi mangamba,

Na sila ay mag alala at makadagdag pa sa dalahin nila.

Kailangan may saya sa mukha.

Na maipapamalas kapag humarap ka na sa iba.

Kailangan matatag ka,

At Hindi nanghihina.

Huwag magpahalata na hindi mo na kaya.

Saka mo na lang isambulat kapag ikaw na lang mag Isa.

 

Sa harapan ng Diyos hindi mo na kailangan magsoot ng maskara.

Sootin mo man upang ikubli hindi ka uubra sa kanya.

Hindi pa man bumubuka ang bibig mo o nasasabi aa kanya.

Alam na nya ang pighati na iyong nadarama.

Isambulat mo lahat at wag kang magtitira.

Sapagkat siya Lang ang nag iisang nilalang na walang paghuhusga.

Siya lang makakapitan mo sa tuwina.

Lalo na pag ang dalahin mo ay kay bigat bigat na.

Kaya mo yan kapatid.

Sa Diyos ikaw ay manalig.

Sapagkat alay niya sayo ay pag ibig.

Kaya ikaw ay magtiwala at buong pusong manalig.

 

Maraming salamat po.

Sa panulat ni: black angel ❤️

Poems by Other Authors

Other Poems by Ledarose Delima