maaga

By Pia21 on 25th Jul 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

mata'y iminulat

aking ikinagulat

liwanag na'y kalat 

sa aking pagdilat

 

sa orasan napatingin

ako'y napa iling

ako ba'y naduling

kaya't napabiling.

 

ika lima ng umaga 

maaga pa pala

oh araw pwede ba

wag agahan ang alarma.

 

bumalikwas , 

sa higaan ikaw na'y kumalas

higaan sa gabi sa umaga ito'y salas

sabayan si araw at magpakitang gilas.

 

tag init 

araw maagang kong sumapit

gabi'y pina ikli

bwa'y tila nais magkubli

 

#draft

#horizonspoetrycontest

#summer 

Other Poems by Pia21