D A Y O F F

By Ledarose Delima on 21st Jul 2022

Pangyaos
Domestic Workers Corner Hong Kong
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Isang araw sa isang linggo.

Ang araw NG day off ang pinakahihintay ko.

Buong araw na nakalaan sa sarili ko.

Pagal na katawan ay maipapahinga ko.

Gabi pa lang bago ang araw na Ito.

Di na magkadamayaw sa pagpa Plano.

Sa dami ng magagandang lugar sa bansang ito.

Hindi malaman kung saan tutungo.

 

Kaya sa mga amo wag Naman kau magulo.

Kayo muna ang maghugas ng mga plato.

Sinupin nyo muna ang mga kalat ninyo.

At si kunyang rarampa muna dahil araw ng day off ko.

Isang araw lang naman ako mawawala sa paningin ninyo.

Ibalato nyo na sa akin ang day off ko.

Kailangan ko lang i recharge ang sarili ko.

Makapiling ng buong araw ang pamilya ko.

Makausap at makita ko sila kahit man lang sa cellphone ko.

Dahil sila ang nagsisilbing baterya ko.

Minsan lang naman sa loob ng isang linggo.

Makaramdam ako ng kalayaan kahit papaano.

Malaya sa inyong mga mata at anino.

Walang magmamando,at mag uutos ng kung anu ano.

Minsan lang maranasan na ako Naman ang amo.

Magsosoot ng magara upang maganda ang selfie ko.

Tiktok dito, tiktok doon eh baket ba paki ninyo?

Kakain ako ng mga gusto ko,

maghahanda ng magarbo.

Minsan lang naman ito,

Kaya dapat sulitin at magpakasaya na Tayo.

 

Pagpatak NG alas otso dapat nasa bahay na ako.

Sa pinto pa lang ng bahay ni amo,

nagdadasal na ako.

Sana malinis ang bahay na dadatnan ko.

Upang pagal na katawan maipahinga ng maaga, dahil kinabukasan trabaho na naman ako.

Hayyy...I love you sabado.

Pati na rin linggo.

❤️

Poems by Other Authors

Other Poems by Ledarose Delima