Bukas na liham

By Ledarose Delima on 17th Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Para sayo anak,

 

Hindi ko makakalimutan.

Noong araw na aking nalaman.

Na may buhay sa aking sinapupunan.

Halu halong emosyon Ang aking naramdaman.

Abut abot Ang aking panalangin.

Sa Diyos Ama ikaw ay ibinilin.

Na maging malusog at malakas upang lumaban.

Kapag dumating na ang oras NG iyong kapanganakan.

 

At dumating na nga ang aming inaabangan.

Anong galak NG puso ko nang ika'y mamasdan.

Para akong nakakita NG anghel sa kalangitan.

Lalo na NG sumungaw sa labi mo ang unang ngiti na aking nasilayan.

Maliliit na mga kamay at paa mo'y kaysarap pisilin.

Ang iyong mga pisngi na parang mamon Kung damhin.

Emosyon ko bilang ina, di ko napigilan.

Pumatak ang luha ko NG di ko napansin.

Buong buhay kitang aalagaan.

Ni katiting na insekto ayaw kitang padapuan.

Tandaan mo anak, nandito ako palagi kitang aalalayan.

Nandito ako palagi kitang babantayan.

Habang lumalaki ka,

Pangarap ko sayo ay iginuguhit ko na.

Ang imahinasyon ko ay sobra sobra.

Magandang kinabukasan mo, sa isip ko ay inilalalatag ko na.

 

Makalipas Ang ilang panahon.

Sa sobrang hirap NG buhay natin noon.

Gumawa ako NG malaking desisyon.

Hindi ko inakalang magiging ganoon.

Ang paglayo sayo kapalit NG magandang kinabukasan mo.

Ito ang tanging paraan para maibigay sa iyo.

Unti unti Kong nararamdaman.

Paglayo NG iyong kalooban.

Hindi mo man hayagang sabihin.

Alam kong masama Ang loob mo sa akin.

 

Anak ko...

Ikaw ang lahat lahat sa buhay ko.

Mawala man ang lahat NG meron sa mundo.

Ikaw at ikaw pa rin Ang nanaisin NG puso ko.

Hiling ko lang wag sana mawala sa akin ang iyong respeto.

Wag mo sanang kalimutan na ako ay Ina mo.

Malaki man ang pagkukulang ko.

At piniling mag aruga NG ibang tao.

Sana ay maintindihan mo.

Na ginawa ko lang Ito, sa laki NG pagmamahal ko sayo.

 

Nagmamahal,

Mama❤️

 

Other Poems by Ledarose Delima