K U N Y A N G

By Ledarose Delima on 14th Jul 2022

Pangyaos
Domestic Workers Corner Hong Kong
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong

Hindi madali ang papel NG isang kunyang.

Maaga magising, madaling araw na Kung mahimbing.

Higit sa 16 oras naming bubunuin.

Lahat NG trabaho ay dapat naming tapusin.

Bago sa higaan kame ay tumambling.

 

Saan ka nakakita?

Maliit na bahay pero maraming Mata.

Bawat kilos mo nakamasid sila.

San ka man pumunta sinusundan ka.

Kaso Ang problema.

Wala pang ilang oras, trabaho na pang umaga ay tapos na.

Hindi malaman Kung San ikukubli Ang sarili,dahil Ang oras ay mahaba pa.

Baka Ang mga mata ni amo ay mandilat pag nakita Kang namamahinga.

 

Di Lang Basta katulong Ang aming ginagampanan.

Tagapamahala NG bahay.

Tumatayong pangalawang nanay.

Pati ang pagiging  tutor kailangan mong magamay.

Para sa labi ni amo ngiti ay sumilay.

Dapat magaling kang magkwenta.

Listahan updated pa.

Dahil pag nagkulang ka ng barya, kahit 1 dolyar magiging issue pa.

 

Hayy, kailangan talaga NG mahabang pasensiya.

Kung talagang gusto mong magtagal pa.

Ang pangako sa sarili na isang kontrata.

Ilang dekada na, nandito ka pa.

Ganyan talaga pag para sa pamilya.

Lahat ay matitiis kahit na magkanda loka loka.

Kapit lang kapatid hanggang kaya pa.

Wag Kang hihinto dahil Ang pangarap mo ay abot kamay na.

 

❤️

Poems by Other Authors

Other Poems by Ledarose Delima