HONGKONG By Piday Paya Bayta

By Domestic Workers Corner on 13th Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

HONGKONG

By Piday Paya Bayta

 

Bansang hindi ko kinagisnan pero ako'y patuloy na nakikibaka at lumalaban, para sa aking pangarap at mahal kong pamilya.

 

Pangalawang bansang aking pinagsapalaran ibang iba sa bansang arabo unang aking pinasukan, mga kunyang dito'y malaya di gaya sa bansang arabo di makalabas ng kusa.

 

Bahay maliit lamang pero trabaho'y di matapos tapos pagkain nakakakalimutan na pero para sa pamilya tinitiis at kinakaya.

 

Hongkong bansang maganda at mayaman maraming tourist pot na pwedeng pasyalan at puntahan. Isa na ang Disneyland na aking pangarap na puntahan na nung bata pa ako'y sa libro kulamang nakikita. Akoy masaya ng aking mapuntahan at maapakan.

 

Hongkong bansang inaasam ng marami na puntahan.

Mga kunyang dito'y picture dto picture doon.. Akala ng iba'y masaya at wlang problma dahil nakikita sa picture nila'y masaya pero di alam ng iba dun na lng nililibang ang sarili sa pangungulila sa pamilya.

 

Bahay namin tapos na dahil sa dolyar na aking kinita

Ako' y sabik na sabik ng umuwi na para makita ang pamilya na taon di nakapiling at nakasama.

 

Ako'y biktima ng isang kontrata lang tapos uuwi na ko, pero ito'y ilang taon na andito pa rin ako. Mahal kong pamilya mag iipon lang ako at balang araw magkakasama at magkikita din tayo.

 

Mahal kong ama at ina hangad ko maging malakas lang kayo dahil lahat ng ginagawa ko'y para sainyo...

Poems by Other Authors