Inaasam asam ng karamihan
Mga Dakilang nilalang nakangiti parin kahit nahihirapan
Bastat Para sa pamilya lahat kinakaya
Magandang kinabukasan maibigay lng sa pamilya
Hongkong nagbigay pag asa!
Kunyang na hirap na lahat kinakaya
Tiniis lahat ng hirap kahit pagod na
Para sa pamilyang umaasa
Lungkot at pangungulila tinitiis
Kahit masakit isipin kailangan umalis
Bawat luha at pawis na inalay
Katumbas ay tagumpay!
Sariling pamilya dapat inaalagaan
Ngunit dahil sa kahirapan kailangan lumisan
Masakit isipin na dapat anak ang kapiling
Pero walang magawa kundi pangungulila tiisin.