Hong Kong by Gayrielle Joy

By Domestic Workers Corner on 13th Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Hong Kong

By Gayrielle Joy

 

Bansang unang sumagi sa aking isipan

Nuong ako ay nag-iisip sa labas nang bansa makipagsapalaran,

Hindi pinalad sa unang pagkakataon,

kaya napadpad sa middle east nuon,

Mabilis dumaan ang dalawang taon,

At muling nasilayan ang aking mahal na nayon,

Nakipagsapalaran ulit sa mahal nating sinilangan,

hanggang sa ala-ala Hongkong pa rin gusto kong masilayan..

dumating ang pagkakataong ako ay nagdesisyong muli,

dahil halos lahat nandito, mga nakilala ko sa fb,

nabigyan naman tayo nang pag-asa,

kahit inabot nang isang taon bago nakalipad dahil sa rally at pandemya,

Halong kaba dahil sa wakas palipad na,

sa unang bansa na aking naisip nuon mararating ko na,

Sa 21 days quarantine, ako ay nagtiyaga,

kahit ang namimiss mong pagkain ay sinigang at nilaga,

Unang tapak sa bahay nang mga amo,

salamat Lord good vibes agad nawa ay hindi sila magbago,

medyo kaiba pala dito ang pamunuhay naisip ko,

ngayon alam ko na bakit ang dating matabang kaibigan ko,pumayat pwera biroπŸ˜…

lumipas ang buwan na tanging sarili mo at Diyos ang iyong panghahawakan,

Homesick kaya namang labanan,

basta mahalaga pakitaan ka nang maayos na trato ok na kabayan!

Malaking bonus diko kailanman hinangad,

Ituring at tratuhin lang akong tao, salamat natupad!

may mga kababayan tayong hindi man sa amo pinalad,

pero alang-alang sa pangarap, hindi tayo pwedeng umuwing hubad.

Babaunin kong magandang ala-ala,

lahat nang memories ko dito hanggang sa ako ay tumanda,

Kapalit nang dollars malayo tayo sa pamilya,

Pero kumapit ka lang sa Diyos, siya na ang bahala😘☺️

Poems by Other Authors