Kunyang by Ruby M.

By Domestic Workers Corner on 13th Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

KUNYANG

By Ruby M.

Araw ng linggo
na sana'y pahinga mo
hindi mo magawa
dahil kailangan mong
magbanat ng buto,

Gigising ng alas sais imedia
babangon kahit ramdam mong pagod ka pa
pilit na ibubuka ang mata
kahit antok na antok pa ,

Sisimulan ang umaga
na tanging kape ang dala
linis ,laba, plantsa
hindi pa tapos ,gising na ang alaga ,

luto, ligpit makikipaglaro ka pa
habang pilit mong iwawaksi s isip mo
ang anak mong nangugulila
na ang hiling sanay
ikaw ang kalaro nya,

sa tanghali
na tanging noodles masaya ka na
ala una o alas dos
papakainin ang sikmura

pagdating ng gabi
alas onse minsa'y alas onse imedia
magmamadali tumawag nagbabaka sakali
gising pa ang pamilya
upang masabi na
" kumusta ang maghapon nyo ? ako? nakooo ok lang, kayang kaya pa"
sabay ngiti upang di sila mag alala
kahit ang totoo
subrang pagod na pagod ka na .

- Ruby M.
(OFW ng hongkong)