Hindi kaduwagan Ang pagsuko sa Laban.

Hindi Ito kabawasan sa iyong paninindigan.

Lalo pa't Hindi ka binigyan NG karapatan.

NG taong iyong ipinaglalaban.

Ang pagsuko ay Hindi basehan.

O matatawag na isang karuwagan.

Dapat Alam natin Ang ating hangganan.

Kung hanggang saan. Ang ating kakayahan.

Wag ninyo ako husgahan.

Kung sa tingin ninyo ako'y Hindi lumaban.

Ginawa ko Ang lahat NG asking makakayanan.

Hanggang sa dulo akin siyang pinaglaban.

Bago ako sumuko, at napagod sa pakikibaka ko.

Makailang ulit, paulit ulit at dinner ko na napagtanto.

Upos na at said hanggang buto ko.

Pigang piga na pati Ang puso ko.

 

Siguro nga Hindi na kailangan ipilit.

Lalo na Kung Ang puso mo ay nakapikit.

Kahit anong pilit at pangungulit.

Di na niya makikita Ang dating marikit.

 

O sa Diyos ako ay kakapit.

Kapag Ang sinturon ay sobrang higpit.

Kapag Ang mundo ay puno NG pait.

At pinamahayan Ang puso NG poot at galit.

 

Ito na siguro Ang tamang panahon.

Sarili ko Naman Ang dapat intindihin.

Hindi Naman siguro kalabisan.

Ang sarili ko Naman Ang aking pagbigyan.

Other Poems by Ledarose Delima