Patawad wala ako
Sa mga panahong Kailangan mo nang mag aaruga
Aakay at Magmamahal Patawad wala ako
Para maibigay ang mga gusto mo
At maipadama Kung gaano kita kamahal Patawad wala ako noong
Mga panahong malungkot ka Nagkasakit,nahihirapan
At mag isang lumalaban
Patawad wala ako sa tabi mo Noong nilalabanan mo  ang kamatayan
Wala ako para mahawakan ka Mayakap ng mahigpit at mahalikan
Patawad na sa huling hininga mo wala ako Habang buhay kung dadalhin ang sakit,lungkot at hihingi ng tawad Patawarin mo ako Mama..

Poems by Other Authors