HONGKONG

By AICY on 4th Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Bansa na dati ay naririnig ko lang

Pero ng dahil sa kahirapan ako’y

Nangarap at aking narating

 

Masakit man isipin mawalay sa nag-iisang anak

Ako’y walang magawa at kailangan umalis

Para pangarap ng aking anak ay matupad

Sa una ako’y kinabahan anu kaya aking 

Marating sa bagong lugar na aking ttahakin

 

Pasalamat ako sa mykapal at 

Ako’y nakatagpo ng mabait at maunawain na amo

Nakatapos na ako sa aking unang kontrata

At sana sa pangalawang kontrata

Aking pangarap nasimulan ay mabuo na

 

Maraming salamat HONGKONG ng dahil

Sa iyo maraming pangarap ang nabuo

Lalo na sa aming mga Pilipino

Kaya lahat ng Pilipino na katulad ko

Isipin natin ang dahilan ng pgpunta dito

At wag na mgloko lalo’t wag na gumawa ng 

Bagay na ikasisira ng atin pangarap na nabuo.