Hong Kong by Jane PJ Collado

By Domestic Workers Corner on 3rd Jul 2022

 Image

HONGKONG

By Jane PJ Collado

 

Sa mga panahong ako'y naguguluhan

maraming pumapasok sa aking isipan

kaya napagdesisyunang makipagsapalaran

sa Hongkong na pangarap ng karamihan.

Sa tulong ng mga kamag-anakan

ako'y narito ngayon at lumalaban

para sa pamilyang aking iniwan

maibigay lng kanilang pangangailangan.

Kaya dalangin ko sa kaitaas- taasan

na lahat tayo ay kanyang gabayan

bigyan ng malusog na pangangatawan

upang malagpasan pandemyang nararanasan.

😀

 

Photo by: JL Pancho Tai O fishing Village