Bansang napakaliit pero napakayaman
Batas walang kinikilingan,
Bansang diko man pinangarap pero aking napuntahan.
Sariling Bansa at pamilya ko'y aking iniwanan
katulad ng iba sa aking mga kababayan,
Ako'y nangarap din magtrabaho kumita nang marangal.
Subalit paglipas ng mga araw samo't saring problema at kasiyahan ang aking naranasan,
Pangako sa sarili ako'y di magtatagal
ako'y uuwi na pangungulila'y di makayanan.
Ngunit sa di maipaliwanag na kadahilanan
maraming pagsubok ang humadlang,
ako'y dito na tumanda at inabot ng dekada
sa mga banyagang amo'y nag-aalaga.
Nag-iisang Bansang diko makakalimutan
bukod tangi kong kasama mga kaibigan,
masayang malungkot buhay nga naman
pero ito ang Bansa na saki'y napamahal.