By: Chalai N.
Bansang aking pinangarap
Noong ako'y sadlak sa paghihirap
Inisip eto ang solusyon
Upang aking pamilya ay maiahon.
Unang tapak sa bansang banyaga
Ako'y biglang napatunganga
Eto na ba ang simula?
Pakikibaka sana'y maghimala.
Nang makita ko si amo at bunso
Puso ko'y biglang lumukso
Dama kong sila'y makakasundo
Ako'y biglang nabuhayan ng dugo.
Kuskos dito, kuskos doon
Trabaho ay walang humpay sa maghapon
Pagod at gutom titiisin
Para sa pangarap na nais abutin.
Kaya nman sa kapwa ko Pinay
Laban lang sa hamon ng buhay
Lagi isaisip at atensiyon ay ituon
Wag makakalimot sa Diyos na Poon.