BY: Irene Timpug
Isa sa bansang maunlad dito sa Asya
Pasyalan ng madami,sa angkin nitong ganda
Sa mga gusali pa lang mapapamangha ka
Lalu na pag gabi kislap ay kakaiba
Madaming dayuhan dito'y nagtatrabaho
Ibat ibang lahi ay makikita dito
Karamihan mga tao'y puro lang trabaho
Dahil ang pamumuhay nila ay laging magasto
Isa ako sa nakikipagtrabaho at nakikipagsapalaran
Taong 2011,nang Hongkong aking natapakan
Noong nagsisimula'y luha ko'y di mapigilan
Parang gusto ng umuwi at sumuko na lamang
Dito ko naranasan ang mag isa sa buhay
Malayo sa pamilya,lalu na sa mga anak na mahal
Laging tinitingala ang orasan,bilangin ang araw
Bakit parang ang tagal?laging sambit sa isipan
Pag mga amo'y wala kaygaan ng pakiramdam
Ngunit pag narito naman,diko alam san lulugar
Sabayan pa ng dalawang alagang,minsa'y pasaway
Pero salamat sa Diyos ako sa kanila ay nagtagal
Kailangan magtiis kahit minsan nahihirapan
Para sa mga anak ko,nagtataguyod mag isa lang
Balang araw ay matatapos din aking kalungkutan
Mga pananabik na mayakap sila at aking masilayan
Para tayong sumugal nong tayo'y pumarito
Di natin alam kung sa huli'y tayo ay mananalo
Madaming umuwing luhaan,bangkay pa iba dito
Nakakalungkot man,kapalaran di mapagtatanto
Kayat sa mga kagaya kong OFW dito
Huwag tayong susuko,magpakatatag lang tayo
Laging manalangin,huwag kalimutan ito
Kalakasan at kapahingaan masusumpungan totoo.