Hong Kong

By Domestic Workers Corner on 3rd Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Hong Kong

By Gret Chen

 

Hong kong 🇭🇰

Ang pangalawang bansa na aking napuntahan

Bagamat hindi ikaw ang una pero sa puso at isipin ikaw ang number one

Salamat Ama sa pangalawang pagkakataon na iyong ibinigay sa akin ngayon, Naway samahan nyo po akong muli sa aking pakikibaka para sa aking pamilya na naiwan sa aking bansang sinilangan.

 

Hongkong ang nais marating ng karamihan na mga pilipino, gustong magtrabaho dito,maganda ang sweldo,mababait na mga amo at hindi lahat abusado.

Hongkong ay malinis,tahimik at payapa

May pagkakaisa ang bawat isa,kaya hindi ka maipagkakaila number one ka sa puso ng mga turista.

 

Hongkong sa gitna ng pandemya ngaun lahat ay gagawin para sa kapakanan ng mamamayan,naway ang bawat isa ay wag mawalan ng Pagasa.

Hongkong maraming salamat sayo

Patuloy kang magiging matatag sa pagharap sa hamon ng mundo.

Thank you and God Bless us all

Poems by Other Authors