Hong Kong

By Domestic Workers Corner on 3rd Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Hong Kong

By: Jo Li

Photo at Po Toi Island By Mary Ann Etajan

 

 

Ako'y nakipagsapalarang ina Nagsakripisyo para sa pamilya

Dito sa Hong kong ako'y nangako

Sa buhay ay di susuko

 

Di ko man nais na mawalay

Subalit nais ko umunlad ang buhay

Kaya mas piniling maglakbay

Pangangailangan ng pamilya maibigay

 

Sa kabila ng aking ngiti

Puso ko'y humihikbi

Pinapasa Diyos na lang lagi

Kalungkutan tuwing gabi

 

😢😢Mahirap ang Buhay ofw

Maloloka ka kung d ka marunong lumaban....kapit lang mga kabayan💪🙏🙏🙏