Hong Kong

By Domestic Workers Corner on 3rd Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Hong kong

By: Anne Camia

Photo By: Phyllis Tibawen

 

Banyagang salita sa iyong pandinig

Larawang mistula sa postcard nakita

Nang unang sumalta sa bansang banyaga

Baon ay tapang at tatag ng dibdib

 

Sa hamon ng buhay sa hong kong tumapang

Tibay ng dibdib sa pinagdaanan

Dalawang dekada'y aking nalagpasan

Sa tulong ng Poon na siyang may lalang

 

Ang pamilyang siyang naging inspirasyon

Kahit na mahirap di ito alintana

Basta't magkaroon ng sapat na

ipon

Upang makauwe sa takdang panahon

Nang aking mayakap anak at apo ko

Salamat sa Dios na laging kasama

Salamat sa Gabay ng Poong maykapal