By Tess Belgado
H - inangad at pinangarap ng karamihan ang makapunta sa bansang ito. Iba't ibang lahi lalo na ng mga Pilipino.
O - portunidad na makapagtrabaho ay isang magandang prebilihiyo. Katuparan ng mga pangarap, sinimulan sa lugar na ito.
N - inais na mabigyan ang pamilya ng maginhawang kabuhayan. Bawat Pilipino dito ay nakikipagsapalaran.
G - agawin ang lahat para mabigyan katuparan. Ang pangako sa asawa, mga anak ganun din sa mga magulang.
K - apalit ng dolyar na dito ay sasahurin. Lungkot at pangungulila kayang tiisin.
O - ras at panahon, bawat araw na gugugulin. itutuon sa pagtatrabaho, anumang hirap ay kakayanin.
N - aging sandigan dito ng bawat isa, ang pananalig at pananampalataya sa Dakilang Lumikha.
G - anun pa man, sa mga karanasan pangit o maganda. Maraming salamat HONGKONG sa mga alaala.