Pandemya

By Domestic Workers Corner on 3rd Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Pandemya

 

Hindi inaasahan magyari ito

Buong mundo ang apektado

Bata o matanda lahat delikado

Pag ikaw ay madapuan nito.

 

Proteksyon sa sarili ang kailangan

Dahil ang virus nandyan lang

Dati lingo lingo nasa tambayan tayo

Ngayon na loob lang ng kwarto.

 

Sa bahay ng amo mahirap gumalaw

Utos dito utos doon lahat ng sulok nalinisan

Kahit pagod na kayod pa rin hanggang madaling araw

Dahil takot mawalan ng trabaho pamilya ang mahihirapan.

 

Bilang OFW saan kami lulugar

walang tao na gusto madapuan nito

dahil ang resulta ay positibo

Marami ang nawalan ng trabaho.

 

Dasal ang sandata para sa bawat isa

Magkalayo man tayo ngunit lahat at umaasa

Lahat tayo mag tulungan krisis malagpasan

Sarili natin ay pangalagaan, Patibayin natin ang ating kalusugan.

 

Photo by: Rowegie

Tula by: Rodelia Pedro